UTC/GMT+8 - October 23, 2025 | 5:37 AM
Stay Up-to-date

CSWD namamahagi ng prosthetic legs

By: Trixie Mae B. Umali
April 2, 2024 | 3:15 PM (GMT+8)
CSWD namamahagi ng prosthetic legs
CSWD namamahagi ng prosthetic legs
19 na benepisyaryo ang nabigyan ng prosthetic legs sa ginanap na pamamahagi nito noong ika-1 ng Abril 2024 sa Lobby ng City Hall Building B.

Pinangunahan ni Mayor Arlene B. Arcillas ang pamamahagi ng munting handog na ito para sa mga PWD sa ilalim ng Physical Restoration Assistance Program ng City Social Welfare and Development Office (CSWD).

Kalakip nito, nakapagbigay din ang CSWD ng isang hearing aid, scolio brace, at foot brace sa nasabing aktibidad.

Layunin ng programang magbigay ng tulong sa mga indibidwal na may kapansanan upang muling magkaroon ng kakayahan sa pagkilos at maging mas malaya sa kanilang mga gawain sa pang-araw-araw. Gayundin, hangad nitong makapagbigay ng oportunidad sa mga benepisyaryo na magkaroon ng mas maayos na kalidad ng buhay.
CSWD namamahagi ng prosthetic legs
CSWD namamahagi ng prosthetic legs
Aon sa CSWD, ang pamamahagi ay regular na ginagawa ng lungsod. Bukod sa mga nabanggit kasama rin sa mga ibinibigay sa ilalim ng programa ay ang wheel chair, walker, quadcane, crutches, cane, nebulizer, blood pressure monitor, at eyeglasses para sa mga PWD.

Sa kabuuan, ang programang ito ay patunay sa dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod na makatulong sa mga higit na nangangailangang mamamayan. Sa pamamagitan ng Physical Restoration Assistance Program, patuloy nilang pinapalakas ang loob at pag-asa ng mga taong may kapansanan na makamit ang mas maayos at produktibong pamumuhay.
Share article:

Advertisement 

Stay tuned! Content will appear here soon