Libreng "Flouride Application" para sa mga bata, handog ng lungsod
By:Trixie Mae B. Umali
March 1, 2024 | 9:58 AM (GMT+8)
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Oral Health Month, nagsagawa ng libreng dental services ang City Health Office 2 noong ika-28 ng Pebrero 2024 sa mga daycare children ng Barangay Dita.
Pinangunahan ni Committee Chairperson on Health, Hon. Dra. Sonia Algabre ang pagsasagawa ng fluoride application sa ngipin ng mga bata nang sa gayon ay maiwasan ang tooth decay o ang pagkabulok ng ngipin. Kalakip nito ay namahagi rin ang CHO 2 ng mga sipiliyo. Nagkaroon din ng maikling talakayan tungkol sa tamang pag-aalaga ng ngipin.
Ang lahat ng ito ay bahagi at sumasalamin sa tema ng selebrasyong “Chikiting Sagipin Unang Ngipin”. Layunin nitong maturuan ang mga bata, sa kanilang murang edad, kung ano ang kahalagahan ng oral health, at kung paano makatutulong ang ang regular na pagsi-sipiliyo sa pagpapanatili nito.
Una nang isinagawa ito pagpasok ng buwang Pebrero upang maihatid ang serbisyo sa iba’t iba pang mga daycare center sa ibang barangay ng lungsod.