Walong laro o isports ang kasalukuyang idinadaos sa Lungsod ng Santa Rosa magmula noong ika-7 ng Abril 2024, bilang bahagi ng CALABARZON Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2024.
Isa ang Santa Rosa sa mga co-host ng nasabing kaganapan na opisyal na nagbukas at nagsimula noon ding ika-7 ng Abril 2024 sa Biñan City Football Stadium.
Sa loob ng isang linggo ay iba’t ibang isports ang pinaglabanan ng bawat dibisyon, tampok ang kani-kanilang batang atleta. Ilan sa mga isports na ito ay ang ng track and field, swimming, basketball, volleyball, arnis, boxing, dancesports, aero gymnastics, gymnastics, wushu, wrestling, at iba pa.
Layunin ng kaganapang ipamalas ang husay ng mga batang atleta mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, gayundin ay mapalakas pa ang talentong ito ng bata.
Samantala, bukod sa pagiging co-host, isa ang Schools Division of Santa Rosa sa mga dibisyong kalahok din dito.
Sa ngayon, ayon sa Partial Official Medal Tally ng RAAM 2024, pangatlo ang Santa Rosa sa may pinakamaraming gintong medalya. 20 gold medals na ang mayroon ang dibisyon, habang 11 ang silver at 21 ang bronze.