UTC/GMT+8 - October 23, 2025 | 5:37 AM
Stay Up-to-date

Bagong site ng afni, binuksan sa Santa Rosa city

By: Trixie Mae B. Umali
April 18, 2024 | 9:48 AM (GMT+8)
Bagong site ng afni, binuksan sa Santa Rosa city
Bagong site ng afni, binuksan sa Santa Rosa city
Mas maraming job opportunities ang naghihintay sa mga mamamayan ng lungsod at sa mga kalapit-bayan nito, sa pagbubukas kamakailan ng ikatlong site ng US-based Business Process Outsourcing (BPO) firm na Afni sa Santa Rosa.

Dinaluhan ni Mayor Arlene B. Arcillas at Vice Mayor Arnold B. Arcillas ang seremonya ng pagbubukas nito at buong pusong ipinahayag ang kanilang galak sa pagiging bagong bahagi ng Afni ng lumalagong BPO community ng lungsod.

It is an honor that Afni has chosen Santa Rosa for its third site in the Philippines…Santa Rosa has become a prime destination for the BPO industry, and with each new company that sets roots here, our reputation as a developing economic hub is solidified,” pahayag ni Mayor Arlene.

Ayon pa sa kaniya, malaking tulong ang patuloy na paglago ng BPO sector tungo sa pagiging Smart City ng lungsod, dahil ang teknolohiya at kasanayang dala ng mga kumpanyang BPO ay tumutulong sa pagbuo ng isang “digitally savvy workforce” at nakapagbibigay inspirasyon din ito sa pagbuo ng kulturang puno ng inobasyon at pagpapabuti.
Bagong site ng afni, binuksan sa Santa Rosa city
Bagong site ng afni, binuksan sa Santa Rosa city
Bukod pa rito, naniniwala rin si Mayor Arlene na ang kolaborasyong ito sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng BPO ay mayroong mahalagang gampanin pagdating sa pagpapalitan ng kaalaman at best practices.

Samantala, ayon sa Afni, ang Santa Rosa ay isang estratehikong lokasyon para sa kanilang kumpanya dahil bukod sa mayamang talento ng mga mamamayan, convenient din ang pagpunta rito lalo pa’t malapit lamang ito sa Metro Manila at laganap ang mga transportation hubs dito. Higit na mas mababa rin ang halaga ng pamumuhay rito kumpara sa Metro Manila.

Ang bagong site ng Afni sa Santa Rosa ay inaasahang makapagbibigay ng dagdag kita sa halos 3,000 na mga mamamayan. Bukod dito, inaasahan din na magdadala ito ng positibong epekto sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagpapalakas ng komunidad.

This industry is not just a source of numerous job opportunities for our residents, it is also a catalyst for widespread economic activity and development. The presence of top-tier BPO firms attracts more businesses to our local economy—from retail to real estate, enhancing our community’s vibrancy and diversification,” ayon kay Mayor Arlene.

Sa huli, sinabi niyang ang industriya ng BPO ay higit pa sa pagiging isang ‘economic engine’ na matatawag. “It is a partner in our journey towards innovation and sustainability. The growth of this sector in Santa Rosa symbolizes our city’s resilience and adaptability, proving that we are capable of transforming challenges into opportunities for growth and prosperity.
Share article:

Advertisement 

Stay tuned! Content will appear here soon