Philhealth ng masa nagbigay serbisyo sa araw ng kanilang anibersaryo
By:Trixie Mae B. Umali
February 23, 2024 | 4:13 PM (GMT+8)
Ipinagdiwang ng PhilHealth ng Masa ang kanilang ika-24 na anibersaryo sa pamamagitan ng iba’t-ibang aktibidad na may kinalaman sa pagsusulong at pagpapatibay ng ‘universal health care’ noong ika-21 ng Pebrero 2024 sa City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex.
Bahagi ng mga aktibidad na ito ay ang bloodletting; pamamahagi ng medical equipment at gadgets; at pamimigay rin ng libreng reading eyeglasses.
Higit sa 500 katao ang nakiisa at nagpakita ng kagustuhang makapagbigay ng dugo sa ginanap na bloodletting, katuwang ang Philippine Red Cross – Santa Rosa, Laguna Chapter. Ang mga ito ay nakatanggap ng limang kilong bigas mula sa lungsod bilang munting pasasalamat.
350 reading eyeglasses naman ang napamahagi ng Lions Club International – Valenzuela Host Lions Club District 301-D1 na siyang nakiisa rin sa pagdiriwang.
Samantala, sa pamamagitan ng Akay Ni Sol, napagkalooban naman ng wheel chair, tungkod, quadcane, at saklay ang ilang mga PWD.
Ang PhilHealth ng Masa ay isa mga lokal na programa ng lungsod na naglalayong bigyan ng access ang lahat ng Filipino sa de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan nang walang dapat ipangamba sa gastusin