UTC/GMT+8 - October 23, 2025 | 3:09 AM
Stay Up-to-date

Compliance assessment para sa MBCRPP, isinagawa sa lungsod

By: Trixie Mae B. Umali
April 5, 2024 | 11:27 AM (GMT+8)
Compliance assessment para sa MBCRPP, isinagawa sa lungsod
Sumailalim ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa sa LGU Compliance Assessment at On-site Inspection para sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP) noong ika-3 ng Abril 2024.

Sa pangunguna ng Regional Inter-Agency Assessment Team, sinuri ang programa ng lungsod batay sa tatlong mahahalagang kategorya nito—ang Liquid Waste Management, Solid Waste Management, at Informal Settlers Families.
Compliance assessment para sa MBCRPP, isinagawa sa lungsod
Kasabay nito, binisita rin ng validators ang mga piling pasilidad at imprastrakturang pangkalikasan upang inspeksyunin. Ang mga ito ay ang Materials Recovery Facility sa Barangay Pulong Santa Cruz; Sewerage Treatment Plant sa Barangay Market at Tagapo; Social Housing Project sa Sitio Masiit; Cleared Areas sa Barangay Dita; at ang Santa Rosa Environmental Testing Laboratory.

Una nang nakapagpasa ang lungsod ng mga datos at dokumentong kaakibat nito noong nakaraang buwan, at batay sa mga isinumite, isa ang lungsod sa mga napiling Top Performing LGUs ng DILG. Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng lungsod ang kabuuang puntos sa ginanap na table assessment at inspection upang matukoy ang magiging ranggo nito.

Samantala, sa final deliberation ng assessment ay pinuri ng mga validator ang iba’t ibang inisyatiba ng lungsod pagdating sa pagsasa-ayos at pangangalaga sa kalikasan. Nagbigay rin ng mga payo at suhestyon ang mga ito kung ano pa ang mga dapat gawin upang mapanatili at lalong mapaganda ang programa.

Sa huli, nagpasalamat din ang grupo sa aktibong pakikiisa ng MBCRPP Team ng Santa Rosa para sa aktibong pakikiisa at kooperasyon ng mga ito sa buong durasyon ng assessment.
Share article:

Suggested News

Advertisement 

Stay tuned! Content will appear here soon