UTC/GMT+8 - October 23, 2025 | 5:34 AM
Stay Up-to-date

Mga kababaihan, nagpasikat sa "Magpasikat Competition"

By: Trixie Mae B. Umali
March 18, 2024 | 12:49 PM (GMT+8)
Mga kababaihan, nagpasikat sa "Magpasikat Competition"
Isa ang kompetisyon sa mga aktibidad na inihanda ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month. Layunin nitong ipamalas ang iba’t ibang talento ng mga kababaihan, at ipakitang hindi lamang sa bahay at sa pag-aalaga ng pamilya nagtatapos ang kayang gawin ng mga babae.

Hindi limitado sa pag-aalaga ng mga anak at pamilya ang kaya nating gawin. Ang bawat isa sa atin ay may iba’t ibang kakayahan at talento na nararapat lamang nating ipakita at ibahagi sa iba,” ani Mayor Arlene sa kaniyang mensahe.

Ilan sa mga nagtanghal sa aktibidad ay ang Mom’s Group ng Brgy. Caingin; Samahang Yes Darling ng Brgy. Sinalhan; Empowered Muslimah Association; Women in Uniform; Zumba Ladies ng Brgy. Don Jose; VAWC; Rhea Velarde ng Zumba Ladies Angat Kababaihan ng Brgy. Kanluran; Cool Moms ng Sinalhan; at Hot Momie mula sa 4Ps ng Brgy. Aplaya.

Sa mga ito ay matagumpay na nakamit ng Angat Kababaihan ang 3rd Place, habang 2nd Place ang Empowered Muslimah Association. Itinanghal namang 1st Place ang Cool Moms.
Mga kababaihan, nagpasikat sa "Magpasikat Competition"
Mga kababaihan, nagpasikat sa "Magpasikat Competition"
Samantala, bilang Ina ng Lungsod ay ipinahayag din ni Mayor Arlene ang kaniyang suporta sa mga nakilahok at ipinangakong magpapatuloy ang mga programang pangkababaihan ng lungsod.

“I am 100% in support of programs like these dahil kapag na-develop ninyo ang inyong mga kakayahan at talento, tiwala akong mas magiging epektibo namin kayong katuwang sa pag-aalaga ng kani-kaniya ninyong pamilya at pag-ambag din sa pag-unlad ng mahal nating Lungsod,” ayon sa kaniya.

Maka-aasa kayo na ang inyong lingkod Mayor Arlene B. Arcillas, kasama si Kuya Vice Mayor Arnold at ang buong pamahalaang lungsod, ay patuloy na magsasagawa ng mga programa, proyekto at aktibidad na lubos na makatutulong sa mga kababaihan hindi lamang tuwing Women’s Month kundi sa buong taon,” dagdag pa niya.
Share article:

Suggested News

Advertisement 

Stay tuned! Content will appear here soon