UTC/GMT+8 - October 23, 2025 | 5:39 AM
Stay Up-to-date

Featured Woman: Perla Lozada - PESO Head

By: Trixie Mae B. Umali
March 12, 2024 | 11:38 AM (GMT+8)
Featured Woman: Perla Lozada - PESO Head
Hindi naging madali ngunit hindi rin naman naging ganoon kahirap ang pagiging isang babaeng lider para kay Public Employment Service Office (PESO) Head Perla Lozada. Sa 25 na taon niyang paglilingkuran, marami siyang naranasan at napagdaang nakatulong sa kung nasaan man siya ngayon.

Sa aming panayam, ibinahagi niyang una siyang naitalaga bilang Chief Labor Employment and Manpower Development Officer noong taong 2000. Siya ang kauna-unahan at nag-iisang naging pinuno ng nasabing tanggapan magmula pa noon kung kaya’t siya na ang nagtatag at nagpatibay ng mga programang mayroon ang opisina hanggang sa ngayon.
Featured Woman: Perla Lozada - PESO Head
Syempre, lahat naman ng ‘yan ay sa tulong ng ating city government. ‘Yong ating mga naging Mayor, lalong-lalo na si Mayor Arlene, lahat ay very supportive sa ating programa. I think in terms of serbisyo na naibigay ko at ng opisina, bukod sa nai-implement namin ito nang maayos, nakahanap din kami ng ways kung papaano ito mapapaganda, mapapadali, at magiging mas beneficial sa lahat,” paglalahad niya.

Buong puso ring ipinagmalaki ni Lozada ang magagandang bagay at katangiang mayroon ang mga kababaihan, na sa tingin niya ay naibahagi rin niya bilang tagapamuno ng PESO. Aniya, nadala niya ang pagiging maaruga ng mga kababaihan at itinuring na ring pamilya ang mga kasama sa opisina.

“Pag kasi babae nariyan yung sinasabi na may puso sa paglilingkod dahil na rin siguro sa mother’s instinct na mayroon tayo. Hindi ko naman sinasabi na kapag lalaki ay wala nang puso sa paglilingkod, pero kapag babae kasi, likas na sa atin ang pagiging maaruga. Ininstill ko talaga sa mga tauhan ko na kami ay pamilya rito. At gaya ng sa pamilya, kapag may mga desisyon ako, hinihingi ko rin ang opinion ng iba, tumatanggap ako ng suggestions nila,” bahagi niya.

Sa huli, nang tanungin kung ano ang mensahe niya para sa mga kababaihan ngayong National Women’s Month, wala siyang ibang hanagd kundi ang pag-unlad pa ng mga kababaihan at ng buong sektor.

Empowerment. ‘Yan naman ang noon pa lang ay adbokasiya na natin. Syempre, dapat ang mga kababaihan ay hindi nasa isang tabi lang. We can be leaders. Maganda na naipapakita natin yung kaya nating gawin in all aspects, sa trabaho man ‘yan o kahit sa buhay in general. Kaya natin.

Si Lozada ay isa lamang sa mga babaeng department head na katuwang ni Mayor Arlene at ng buong lungsod sa pagpapatibay ng mga proyekto at serbisyong para sa kapakinabangan, hindi lamang ng mga kababaihan, kundi ng bawat Pamilyang Santa Rosa.
Share article:

Suggested News

Advertisement 

Stay tuned! Content will appear here soon