UTC/GMT+8 - October 23, 2025 | 3:04 AM
Stay Up-to-date

Libreng pagsusuri sa mata handog ng CHO 1

By: Trixie Mae B. Umali
April 16, 2024 | 8:34 AM (GMT+8)
Libreng pagsusuri sa mata handog ng CHO 1
Ipinagkaloob ng City Health Office 1 ang libreng pagsusuri sa mata para sa mga residente ng Barangay Malusak noong ika-15 ng Abril 2024.

Bahagi ito ng Visual Health Program ng tanggapan na naglalayong matulungan ang mga mamamayan sa kanilang pangangailangan pagdating sa pangangalaga ng kanilang mga paningin. Gayundin, layon nitong makapagbigay ng libreng salamin sa mga residente.
Libreng pagsusuri sa mata handog ng CHO 1
Ang nasabing aktibidad na pinamagatang “Magbibigay Liwanag sa Malabong Paningin” ay isa sa mga hakbangin ng lungsod tungo sa mas malusog at malinaw na paningin para sa lahat. Patunay din ito ng dedikasyon ng lungsod na pangalagaan ang kabuuang kalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng serbisyo sa komunidad.

Samantala, ang aktibidad na ito ay isinasagawa rin ng City Health Office 2 para naman sa mga residente ng barangay na sakop ng kanilang catchment area.
Share article:

Suggested News

Advertisement 

Stay tuned! Content will appear here soon